-- Advertisements --

Kinagiliwan ng mga taga India ang pag-duet ng British singer Ed Sheeran kay Punjabi star Diljit Dosanjh.

Kinanta ng dalawa ang sikat na kanta ng Indian artist na “Lover” sa wikang Punjabi.

Sa kanilang social media ay nagpost ang dalawang singer ng kani-kanilang mga video na ikinatuwa ng maraming fans na nanood sa Mahalaxmi Racecourse.

Ang 40-anyos kasi na si Dosanjh ay isa sa sikat na South Asian artist sa buong mundo.

Siya ang naglagay ng Punjabi music sa mapa ng mundo.

Nagtala ito ng kasaysayan noong 2023 ng maging unang Punjabi artist na tumugtog sa Coachella music festival.