-- Advertisements --

VIGAN CITY – Aabot sa 149 ang matagumpay na nakapag-donate ng dugo sa isinagawang Dugong Bombo Blood Letting Activity ng Bombo Radyo Vigan sa bayan ng Santa, Ilocos Sur.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng New Normal Dugong Bombo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Dahil diyan, nasiyahan si Santa Mayor Jesus Popoy Bueno sa naging tugon ng mga Santanians sa panawagan nitong mag-donate ng dugo sa kanilang bayan na malaking tulong umano sa mga nangangailangan.

Sa ngayon, mayroon nang 747 na kabuuang bilang ng mga successful blood donors sa anim na bayang sa lalawigan ng pinuntahan ng Bombo Radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2020.