-- Advertisements --

VIGAN CITY – Isasagawa bukas ang ikawalong yugto ng Dugong Bombo New Normal Blood Letting Activity sa bayan ng San Emilio, Ilocos Sur.

Ikalawa ang nasabing bayan sa upland municipality sa lalawigan na bibisitahin ng Bombo Radyo Philippines para sa nasabing aktibidad.

Inaasahang magiging matagumpay ang nasabing aktibidad dahil na rin sa tulong ng lokal na pamahalaan ng San Emilio sa pangunguna ni Mayor Joey Bragado at ng Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang na partner ng Bombo Radyo Vigan.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang 879 successful blood donor sa pitong bayan na dinayo ng Bombo Radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2020.