-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Nakapagdonate ng dugo ang 50 successful blood donors sa inilunsad na Dugong Bombo 2020 ngayong araw sa Brgy. San Isidro, Oas, Albay.
Kaagapay ng Bombo Radyo Philippines sa taunang corporate social responsibility project ang Department of Health (DoH) at local government unit.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dra. Marie Revereza ng Oas Municipal Health Office, hindi pa natatapos ang naturang aktibidad sa isang barangay lamang dahil masusundan pa ang naturang blood letting.
Inimbitahan naman ni Revereza ang kooperasyon ng iba pang nais tumulong sa pagsusuplay ng sapat na dugo sa mga nangangailangan.
Samantala, nakatanggap naman ng Dugong Bombo exclusive T-shirts ang mga matagumpay na blood donors.