VIGAN CITY – Muli na namang pinatunayan patulng Bombo Radyo Vigan na sa gitna ng COVID-19 pandemic ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng Dugong Bombo Blood Letting Activity bilang bahagi na rin ng new normal at upang matulungan ang mga nangangailangan.
Sa pamamagitan ng pagtutulongan ng Bombo Radyo Vigan, Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang at ng Narvacan-LGU ay matagumpay na naisagawa ang Dugong Bombo Blood Letting Activity sa limang barangays na kinabibilangan ng Brgy. Marozo, Casilagan, Cadacad, Sarmingan, Estancia at Lanipao.
Dahil diyan, hindi nabigo ang paghihikayat ni LMP president at Narvacan Mayor Luis Chavit Singson sa mga residente upang makibahagi sa nasabing aktibidad.
Isang daan ang bilang ng mga successful blood donors mula sa mga nasabing barangay kaya naman sa ngayon ay aabot na sa 1,295 ang kabuuang bilang ng mga successful blood donors mula sa siyam na bayang pinuntahan ng Bombo Radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2020.