-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Labis ang pasasalamat ni Justino Felicilda, 64 na taong gulang, sa Dugong Bombo 2024, matapos ang matagumpay nitong ika-58 beses na pag-donate ng dugo, at pang 15 beses rin nitong maging parte sa Dugong Bombo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Felicilda taong 2,000 pa lamang nung una syang nakapag donate ng dugo, mula noon ay wala na itong mintis kung magdonate tuwing may blood donation campaign lalo na sa Dugong Bomgo ng Bombo Radyo.
Dagdag pa ni Felicilda, maliit na bagay man ito para sa kanya ay malaking bagay naman ito para sa mga nanganganilangan ng dugo, kung kayat hindi na nya tinigil ang kanyang panata.
Sinabi pa nito na titigil lamang sya sa pag donate ng dugo kapag makadonate na sya ng ika-60 na beses.