-- Advertisements --
VIGAN CITY – Matagumpay ang naisagawang Dugong Bombo Blood Letting Activity COVID-19 Edition sa Sports Complex sa bayan ng Santiago, Ilocos Sur.
Aabot sa 46 ang bilang ng mga successful blood donors.
Ang nasabing blood letting activity ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Provincial Health Office, Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang, at ng Bombo Radyo Vigan kasama na rin ang RHU-Santiago.
Ayon kay Dr. Vida Verto, halos lahat umano ng mga boluntaryong nag-donate ng dugo ay nabakunahan laban sa COVID.
Inaasahan naman na maisasagawa pa ang blood letting activity sa June 15 sa Bantay; June 23 sa Poblacion, Sta. Cruz; June 25 sa syudad ng Vigan at June 30 sa bayan ng San Esteban.