-- Advertisements --

ROXAS CITY – Pagtanaw ng utang na loob sa naitulong sa inang may sakit na cancer noon ang nagtulak sa elementary school teacher na mag-donate ng dugo sa Dugong Bombo 2019.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Roxas kay Micheal John Bade ng Barangay Conciencia, Panit-an, sinabi nito na malaki ang naitulong ng dugo na kanilang nakuha sa Red Cross-Capiz chapter, para madugtungan kahit paano ang buhay ng inang may sakit na cancer noon.

Ayon pa kay Bade na bilang pasasalamat nito ay naglakas loob siyang magdonate ng dugo para kahit paano ay makatulong sa mga taong nangangailangan.

Inilarawan rin ng guro ang good feeling na naramdaman matapos naging successful blood donor ng Dugong Bombo 2019.

Samantala matapos magdonate ng dugo ay kaagad nagpost ito sa social media site na Facebook na nakatanggap ng positive feeback mula sa mga netizens.