BACOLOD CITY – All systems go na ang Dugong Bombo sa Murcia, Negros Occidental ngayong araw.
Alas-8:00 ng umaga, magsisimula ang bloodletting activity sa Barangay Alegria, Murcia, katuwang ang Murcia Municipal Health Office at Philippine Red Cross Bacolod City-Negros Occidental Chapter.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Eloisa Marie Liza, donor recruitment officer ng Red Cross Bacolod City-Negros Occidental Chapter, 100 porsyento nang handa ang mga volunteer na makikiisa bloodletting activity.
Aminado si Liza na kulang na ang supply ng dugo sa blood bank kaya kinukumbinsi ang mga tagapakinig na kwalipikadong mag-donate ng dugo na makibahagi.
Tiniyak naman ni Allan Benjamin, medical technologist-in charge sa bloodletting ng Murcia Municipal Health Office, na handa na sila para sa activity at umapela rin sa mga residente na magdonate.
Ayon kay Benjamin, lahat ng mga bayan at lungsod sa Negros Occidental ay nangangailangan ng blood supply dahil malaki ang demand nito sa gitna ng coronavirus pandemic.
Aminado rin ito na ang Negros Occidental ay nangunguna sa mga nangangailangan ng sapat na supply ng dugo dahil nangunguna rin sa may pinakamaraming dialysis patient sa buong bansa.