CAUAYAN CITY- Matagumpay ang isinagawang ika-limang bugso ng Dugong Bombo na may Temang A little pain a life to gain bilang bahagi ng Dugong Buhay Dugtong Buhay ng Pamahalaang Lungsod sa kabila na ilang purok sa Santiago ang isinailalim sa calibrated lockdown dahil sa COVID-19
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga kasapi ng Bureau Of Jail Management and Penology o BJMP Santiago at ilang kasapi ng Knights of Columbus at ilang mamamayan
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Perlita Bautista, Program Coordinator ng Blood Letting Activity ng City Health Office Santiago na umabot tatlumpu’t dalawa ang naging successful blood donors.
Tiniyak ni Ginang Bautista na hahigpit na nasunod ang mga Minimum public Health Protocols sa pamamagitan ng paglalagay ng Triaging Area upang matiyak na ligtas ang mga blood donors sa lugar.
Magugunitang pinakahuling isinailalim sa calibrated lock down ang purok 3 ng barangay Sagana, Santiago City matapos magpositibo sa virus ang isang health worker na mula sa naturang barangay.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng contact tracing ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente.
Sa kasalukuyan ay nasa 117 ang total confimed COVID-19 cases sa Santiago City, 106 ang totally recovered, isa ang nasawi at 10 ang aktibong kaso.