-- Advertisements --
LAOAG CITY – Aabot sa 56 ang successful blood donors sa isinagawang blood letting activity na Dugong Bombo sa Barangay 10, Barani sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte.
Ayon kay Barangay Chairman Jogie Calapao, bilang pasasalamat sa mga blood donors ay binigyan nila ang mga ito nga tig-limang kilong bigas partikular sa unang 40 na katao.
Sinabi nito na simula noong 2011 ay nagsasagawa na sila ng blood letting activity at naging tradisyon na nila ito.
Inihayag pa nito na sa isang taon ay apat na beses silang nagsasagawa ng blood letting activity.
Ang naturang blood letting activity at katuwang nila ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, CHO ng lungsod ng Batac at partner ang Bombo Radyo.