CAUAYAN CITY- Naging maayos at umabot sa 69 ang successfull Blood Donor sa isinagawang Dugong Bombo sa Diffun, Quirino
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Henzel Guillermo ng Local Disaster Risk Reduction Management Office ng Diffun, Quirino na naging matagumpay ang isinagawang Dugong Bombo katuwang ang pamahalaang lokal ng Diffun.
Ayon kay Ginoong Guillermo na mahigpit na sinunod ang mga health protocols sa isinagawang Dugong Bombo 2021 sa bayan ng Diffun at lahat anya ng mga nagtungo sa lugar kung saan isinagawa ang Dugong Bombo ay matagumpay na nakuhanan ng dugo bukod sa isang hindi nakuhanan dahil sa mababa ang hemoglobin nito.
Bagamat mababa ang successful blood donors ngayon ay maituturing pa rin itong tagumpay dahil sa nararanasang pandemya na dulot ng COVID-19.
Ang mga nagdonate ng dugo ay galing sa iba’t ibang mga barangay ng bayan ng Diffun kabilang na ang malayong barangay na barangay.Gregorio Pimentel.
Hinikayat pa ni Ginoong Guillermo ang mga mamamayan na nais pang magdonate ng dugo na mayroon pang kasunod na blood letting activity na isasagawa sa Barangay Rafael Palma, Diffun, Quirino sa Ikalabing Isa ng Marso alas nuebe ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Habang isasagawa naman ang Dugong Bombo dito sa Lunsod ng Cauayan sa ikalabi ng tatlo ng Marso, 2021
Layunin ng isinasagawang dugong Bombo na makalihim ng dugo na kinakailangan ng mga kababayan nating maysakit tulad na lamang ng mga sumasailalim sa dialysis, blood transfusion at iba pa.