VIGAN CITY – Muling naisagawa ang Dugong Bombo New Normal Blood Letting Acitivity sa bayan ng Galimuyod, Ilocos Sur.
Umabot sa 140 ang naging succesful blood donors sa nasabing bayan na isa sa mga upland municipality ng probinsya na mayroong 24 barangay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Galimuyod Mayor Jessie Balingsat, masaya umano ito sa naging tugon ng kanyang mga kababayan sa nasabing aktibidad kahit pa mayroong kinakaharap na sama ng panahon at COVID19 pandemic.
Aniya, hinintay umano nito ang nasabing aktibidad na makapagdonate ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangan bago ang isasagawang pagbabakuna sa kanyan kontra COVID19.
Sa ngayon mayroon ng 974 ang matagumpay na nakapagdonate ng kanilang sa mga naisagawang Dugong Bombo sa lalawigan ng Ilocos Sur mula noong buwan ng Enero.