ROXAS CITY – Muli na namang kinilala ng Philippine Red Cross bilang Top 1 performing Non-LGU o Sandugo Outstanding Non-Local Government Unit ang Bombo Radyo Philippines sa may pinakamaraming dugo na nai-donate nitong nakaraang taon.
Pinasalamatan ng Philippine Red Cross ang Bombo Radyo Philippines sa pamamagitan ng Dugong Bombo Bombo Radyo Roxas matapos makalikom ng kabuuang 631 blood units na nakikiisa sa National Voluntary Blood Service Program.
Ang Dugong Bombo, na isang corporate social responsibility ng network, ay taunang isinasagawa sa 24 key cities nationwide na mayroong Bombo Radyo at Star FM stations.
Nabatid na ang Dugong Bombo na may slogan na “A Little Pain, A Life to Gain” ang binansagang bloodiest activity sa bansa at may kakayahang tumugon na maging bastante ang supply ng dugo para sa mga nangangailangan.
Maliban dito, binigyan rin ng Plaque of Recognition ng Department of Education-Region 6 ang Bombo Radyo Roxas.