-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi naging balakid ang pandemya na dulot ng COVID-19 sa mga taga-Cagayan de Oro para makamit ang record breaking na may pinakaraming nagpakuha ng dugo nitong araw ng Sabado.

Ito’y matapos umabot sa 92 na mga successful blood donors sa Barangay 24 covered court kung saan nalampasan nito ang 90 sa Barangay Carmen sa lungsod.

Sa ikalimang Dugong Bombo New Normal na inilunsad sa siyudad ay umabot na sa kabuuang 372 katao ang matagumpay na nakapag-donate ng kanilang dugo.

Mayroon din iilan sa mga donors ang piniling lumiban sa kanilang trabaho para lamang makapag pakuha ng dugo.

Kita naman sa mukha ng mga bagong bayani ang kanilang tuwa ng matanggap ang kanilang Dugong Bombo t-shirt.