-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – All set na ang lahat para sa isasagawang Dugong Bombo: A Little Pain A Life to Gain, ang Blood donation program sa Bombo Radyo Philippines dito sa General Santos City bukas.

Gaganapin ito sa Robinsons Place sa Barangay Lagao nitong lungsod.

Inaasahan na muling magkikita-kita ang mga regular blood donors maging blood galloners sa naturang blood letting activity para sa layuning makalikom ng maraming dugo.

Isa rito si Mary Claire Padayao, Blood Galloner at Sandugo Awardee-Bronze medal kung saan una na nitong sinabi na ang pagdonate ng dugo ay ang kanyang simpleng pamamaraan para tumulong sa iba.

Aniya, isang fullfillment ito na kanyang ipagpapatuloy habang ito’y nabubuhay.

Habang sinabi naman ni Atty. Josemar Albano, isang blood galloner, 64 yrs.old na mula ng magdonate siya ng dugo, natigil na ang pag-inom nito ng maintenance na gamot sa kanyang sakit.

Nabatid na tanging Bombo Radyo Gensan lamang ang magsasagawa ng Dugong Bombo bukas matapos itong nasuspende noong November 18, 2023 dahil sa tumama na lindol.