-- Advertisements --

LAOAG CITY – Aabot sa 86 ang kabuuang blood donors sa isinagawang bloodletting activity sa Barangay Barani sa lungsod ng Batac at sa Barangay Sungadan sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte.

Ang sabay na bloodletting activity ay matagumpay na naisagawa sa koordinasyon ng Bombo Radyo Laoag, mga opisyales sa mga nasabing barangay at ang grupong Samahang Ilokano at MakaPaoay Chapter Philippine Guardian Brotherhood Incorporated.

Lubos naman ang pasasalamat ni Barangay Chairman Jogie Calapao dahil mas marami ngayon ang donors kung ikukumpara sa mga nakalipas na buwan.

Sinabi nito na sa isang taon ay apat na beses nilang isasagawa ang naturang aktibidad at ngayon ay katuwang pa nila ang Bombo Radyo.

Samantala, sinabi naman ni Sangguniang Bayan Member Efren Valdez sa bayan ng Paoay na masaya sila dahil malaking tulong ito sa mga nangangailan na kababayan.

Nakadagdag pa umano sa sayang nararamdaman ng mga donors ang natangap nilang Dugong Bombo t-shirt mula sa Bombo Radyo.