VIGAN CITY – Naging matagumpay ang naisagawang Dugong Bombo sa buwan ng Hulyo sa lalawigan ng Ilocos Sur kung saan naging katuwang ng Bombo Radyo Vigan ang apat na bayan sa probinsya at ang Ilocos Sur Police Provincial Office.
Marami ang nakilahok sa New Normal napagsasagawa ng Dugong Bombo kung saan katuwang ng Bombo Radyo Philippines ang mga Local Government Unit at ang Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang.
Nasa kabuoang 464 ang mga successful blood donors kung saan naitala ang pinakamarami sa bayan ng Sta. Lucia kung saan 142 ang nakapagdonate at sinundan ng Burgos na mayroong 106, Banayoyo 93, San Vicente 77 at 46 mula sa Ilocos Sur Police Provincial Office.
Masaya ring nagaabang ang mga residente kung saan namumuno ang League of Municipalities President Narvacan Mayor Luis Chavit Singson ngunit sa kasamaang palad ay mayroong residenteng nagpositibo sa COVID19 kaya ipinagpaliban muna ang blood letting activity sa nasabing bayan na tatayang nasa mahigit 200 ang magiging successful blood donors.