-- Advertisements --
VIGAN CITY – Isinagawa ngayong araw sa bayan ng Narvacan sa Ilocos Sur ang Dugong Bombo New Normal Blood Letting Acitivty na sinuportahan ng mga residente nito.
Maliban sa mga residente masayang nakilahok sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ti Philippine Army at iba’t-ibang organisasyon.
Hindi hadlang sa mga residente ang epekto ng COVID19 at maulang panahon sa lalawigan upang tumugon sa pangangailangan ng dugo sa probinsya.
Kabuuang 55 ang matagumpay na nakuhanan ng dugo at sa ngayon mayroong ng 1091 successful blood donors ang Bombo Radyo Vigan mula noon buang ng Enero.