-- Advertisements --
VIGAN CITY – Inaasahang magiging matagumpay din ang isasagawang blood letting activity ng Bombo Radyo Vigan sa Narvacan, Ilocos Sur.
Ito’y sa gitna pa rin ng “new normal” Dugong Bombo dahil sa coronavirus pandemic.
Kamakailan lamang ay nakapagtala ng record breaking na 149 successful donors na sumuporta sa bayan ng Santa.
Malaki ang tiwala ni Narvacan Mayor Luis Chavit Singson na maraming dadalo sa nasabing aktibidad dahil marami sa kanyang mga kababayan ang nagnanais na makatulong sa kanilang kapwa sa pamamagitan ng pagdo-donate na kanilang dugo ngayong pandemya.
Sa ngayon, aabot na sa 747 ang successful blood donors sa anim na bayan kung saan naidaos ang Dugong Bombo 2020.