-- Advertisements --

Kakasuhan ng mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle ang paparatzzi na kumuha ng larawan ng anak nilang si Archie.

Ayon sa kanilang abogado na si Michael Kump, na bawat pamilya sa California ay ginagarantiyahan ng right to privacy sa kanilang bahay.

Walang drones, lenses ang maaaring magtanggal ng kanilang privacy, dadag pa ng abogado.

Magugunitang lumipat sa California ang Duke at Duchess of Sussex matapos ang pag-alis nila sa kanilang British royal duty.