-- Advertisements --
Tinukoy ng OCTA Research Group ang Dumaguete City na may mataas na average daily attack rate (ADAR) kumpara sa ADAR ng National Capital Region (NCR) sa kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Lumabas sa data ng OCTA na mayroong 51.58 ADAR ang Dumaguete mula Hunyo 4 hanggang Hunyo10.
Sinabi ni Professor Guido David na lubhang na nakakabahala ang nasabing pagtaas ng ADAR sa Dumaguete City dahil ang NCR ay mayroong 40 ADAR lamang noong kasagsagan ng COVID-19.
Mas dapat na pagtuunan ng pansin ito dahil hindi pa naabot ang peak at ito ay posibleng tataas pa.
Ang ADAR ay percentage ng isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 per 100,000 populaton na sumailalim sa test.