Nasa 12 mga bansa na ang mariing komokondena sa nagpapatuloy na karahasan na ginawa ng militar laban sa mga protesters sa Myanmar.
Ikinagalit ng Amerika, Britain, Japan at Australia ang paggamit ng lethal force ng military junta laban sa mga sibilyan.
Sa kabila naman ng dinaranas na pagluluksa ng pamilya ng mga protesters na namatay, nagawa pa ni coup leader Min Aung Hlaing at ng kaniyang mga heneral ang magdiwang sa Armed Forces Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng party.
May mga impormasyon din na lumalabas na nakikialam ang militar sa libing ng mga namatay.
Napag-alaman na umakyat na sa mahigit 400 katao ang nasawi sa protesta matapos madagdag ang bagong 114 protesters na napatay mula nang ipinatupad ang kudeta noong Pebrero 1 laban kay Aung San Suu Kyi.