Iniimbestigahan ngayon sa Kongreso ang dumaraming kaso ng illegal na buy-bust operations kung saan sangkot ang ilang mga PNP officers.
Ayon kay Antipolo 2nd District at Sr. Vice-Chair ng Committee on Public Order and Safety Rep. Romeo Acop, inihain niya ang House Resolution 776 dahil sa marami nang nakarating na report sa kanya.
Maraming kamag anak noong naaresto ang nagreklamo mismo na hindi raw ito inaresto kundi pinilit na sumama gamit ang dahas na kung titingnan ay parang kidnapping at ang report sa nasabing insidente ay buy-bust operation.
Aniya, nakatanggap raw siya ng tawag mula sa Bulacan, Tagaytay, Makati, Taytay Police Station at Antipolo Police Station na sinasabing nitong pareho ang nangyari sa kanila ukol sa nasabing operasyon.
Ibig sabihin lamang raw nito ay mayroong pattern sa nangyayaring illegal buy-bust operations.
Samantala, ayon naman kay Congressman Bosita Bonifacio, ang natutulak raw sa mga officers na gumawa nito ay ang itinatakdang quota sa kapulisan.
Ito raw ay kinakailangang mareach sa bawat deadline na iseneset.
Saad pa ni Congressman Bosita kapag raw hindi naaabot ang quota ng isang pulis, mayroon umanong pakiramdam na parang ma rerelieve sa trabaho.