CAGAYAN DE ORO CITY – Napuno ang isang 6×6 dump truck na inarkila ng PNP at COMELEC-10 matapos magsagawa ng Oplan Baklas sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Sinabi ni City Comelec election officer Atty. Ramil Acol sa Bombo Radyo, umabot sa 166Â ang kanilang nakolektang campaign posters mula sa mga senatorial candidates at ilang mga partylist groups.
Kinondina ni Acol ang ilang mga kandidato ng May 2019 midterm elections dahil kahit puno at poste nilagyan pa ng kanilang mga larawan.
Aniya, hindi magandang imahe ang kanilang ipinapakita sa publiko lalo na’t kandidato pa lamang sila ay sumusuway na sa batas.
Nananawagan si Atty. Acol sa lahat ng national candidates na isaalang alang ang nakasaad Republic Act No. 9006 o “Fair Elections Act” kung saan nakalahad ang mga pamantayan para sa tama at ‘di tamang sukat at lugar na pagkakabitan ng mga election paraphernalia.