-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayong inaalam ang motibo pati na ang mga suspetsado sa pamamaril pasado alas 4:58 sa hapon sa may Purok-14, Barangay Baan Km-3, Butuan Cuty na humantong sa pagkamatay ng isang dumptruck driver.

Nakilala ang biktimang si Albert Martin G. Macasmot, 39-anyos, driver sa Dorico Construction at residente sa Purok-1, Barangay Doongan, Butuan City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sana ang biktima sakay sa single motor at naka-helmet pa, ngunit pagdating nito sa corner ng national highway sa nasabing lugar, inaabangan na ito sa mga suspetsado at binaril gamit ang hindi pa matukoy na baril.

Nang natumba ang single motor sa biktima, nakatakbo pa ito ng iilang metro ngunit hinahabol ng mga suspek at muling pinagbabaril bago tumakas ang mg ito sakay sa single motor.

Dinala pa ang biktima sa Butuan Medical Center ngunit dineklara itong dead-on-arrival sa attending physician na si Dr. Niko Aspirin.