-- Advertisements --
DUNCAN
Duncan and Popovich

Muling nagbabalik sa San Antonio Spurs ang retiradong player na si Tim Duncan.

Ito ay matapos na tanggapin niya ang alok na maging assistant coach ni Gregg Popovich.

Labis naman ang kasiyahan ni Popovich ang pagpayag ni Duncan dahil magiging malaking tulong ito sa koponan.

Ang 15-time All-Star at two-time Most Valuable Player ay naglaro sa koponan ng 19 seasons.

Kasama ang 43-anyos ng makuha ng Spurs ang limang NBA championships kung saan coach si Popovich mula 1997 hanggang 2016.

Naging No. 1 overall pick ng Spurs si Duncan noong 1997 NBA Draft.