Nagtala ng bagong world record ang Swedish pole vaulter na si Armand Duplantis na may winning height na 6.27 meters sa All Star Perche event sa Clermont-Ferrand, France.
Sa silver meeting ng World Athletics Indoor Tour, sinimulan ni Duplantis ang kanyang kompetisyon sa 5.65m.
Nalagpasan din ni Duplantis sa unang attempt ang 5.91m at 6.02.
Matapos ma-clear ni Duplantis ang 6.07m upang ma-secure ang panalo, tinangka naman nitong higitan ang dating world record na 6.26m sa Diamond League meeting sa Silesia, Poland. Napagtagumpayan ni Duplantis sa unang attempt ang 6.27m.
Matapos i-clear ang 6.07m para masigurado ang panalo, pinataas niya ang bar sa 6.27m at nasakop ang taas na iyon sa kanyang unang pagtatangka, na pinahusay ang dati niyang record na naitala sa Diamond League meeting sa Silesia, Poland noong Agosto ng isang sentimetro.
Ito rin ang pangalawang beses na nabasag ni Duplantis ang world record sa Clermont-Ferrand nang makamit niya ang 6.22m sa French city dalawang taon na ang nakakaraan upang ipagdiwang ang kanyang ikaanim na world record.