-- Advertisements --

Kapwa naka-quarantine matapos sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na sila ay ma-expose sa COVID-19.

Sinabi ni Duque na nakasalamuha nito ang isa sa kaniyang staff ay nag-positibo sa COVID-19 noong Disyembre 31.

Nakatakda itong sumailalim sa COVID-19 test ngayong araw at kung magnegatibo ay posibleng hanggang Enero 8 o sa ika-10 araw na lamang ito sa quarantine.

Habang si Lorenzana ay nakasalamuha nito ang apat na kasamahan sa bahay na nagpositibo sa COVID-19 kaya minabuti ng mag-quarantine.

Magugunitang si Lorenzana ay nagpositibo na sa COVID-19 noong Abril 2021 at Nobyembre.