Handa umano sa anumang imbestigasyon si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Reaksyon ito ng kalihim matapos na ituro siya ni Senator Manny Pacquiao na opisina na mayroong grabeng nangyayaring korapsyon.
Sinabi ni Duque na mula pa noon ay naging transparent ito at siya ay tumutugon sa anumang audit na ginagawa ng gobyerno.
Ikinalungkot man nito ang nasabing alegasyon ng isang opisyal ng gobyerno.
Pero tiniyak niya na bukas siya sa anumang imbestigasyon at ipapakita nito kung saan napunta ang mga perang inutang para ipambili ng bakuna.
Iginiit nito na nagagamit sa tama ang lahat ng pondo ng gobyerno.
Magugunitang isa ang DOH na unang itinuro ni Pacquiao na may nagaganap na korapsyon matapos na hamunin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kaniya ang opisina na may grabeng katiwalian daw ang nagaganap.