-- Advertisements --

Iginiit ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi sangkot ang kaniyang ahensiya sa kontrobersiyal na transaksyon ng gobyerno sa Pharmally Corp.

Reaksyon ito ng kalihim sa rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ito ng kasong plunder, graft at ilang criminal at administrative case laban sa kaniya at mga dating opisyal ng gobyerno ganun din ang mga opisyal na Pharmally dahil sa maanomalyang multi-billyon contracts sa nasabing kumpanya.

Sinabi ni Duque na nakatuon ang kanilang ahensiya sa medical side ng pandemic response.

Inakusahan pa nito ang panel na naging bulag dahil lahat aniya ng kontrata ng COVID-19 response ay dumaan sa Procurement Service ng Department of Budget Management.

Tiniyak nito na handa siyang makibahagi sa proseso ng tribunal at wala itong itinatago.