-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pagbili ng gobyerno ng mga medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Sinabi nito na hindi na makapaghintay ang gobyerno na maging normal o bumaba pa ang presyo ng mga medical supplies dahil maraming mga healthcare workers na ang namamatay dahil sa COVID-19.

Dahil sa mahalaga ang agarang pagbili ng mga supplies gaya ng face masks, face shields at personal protective equipment (PPE) sets kung saan sa mga panahong iyon ay tanging ang Pharmally lamang ang may kakayahan na mag-deliver.

Magugunitang iniimbistigahan ng Senate blue ribbon committee ang DOH dahil sa pagbili nito ng mga overpriced na mga medical supplies sa Pharmally.