-- Advertisements --
DUQUE DOH VIRTUAL
Health Sec. Francisco Duque III

Mariing itinanggi ni Health Sec. Francisco Duque III na kakilala niya ang mag-asawang sinasabing nagbebenta sa pamahalaan ng mga kinakailangan na medical equipment ngayong mayroong COVID-19 pandemic sa mataas na presyo.

Sa televised briefing kaninang madaling araw, iginiit ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kakilala ang naturang mga personalidad na umano’y nag-aalok ng overpriced medical supplies sa pamahalaan.

Nauna nang kinumpirma ni Budget Undersecretary Lloyd Lao na P4.3 million presyo ng extraction machines na alok sa pamahalaan ng mag-asawang Co, may-ari ng Omnibus Biomedical Systems Inc., ang exclusive distributor ng Sansure sa Pilipinas.

Ayon kay Lao, tinalo ng isang Hong Kong-based corporation ang mag-asawang Co sa bidding na ginawa para sa extraction machines na bibilhin ng pamahalaan kaya nagrereklamo aniya ang mga ito sa ngayon dahil hindi raw ginalang ang kanilang exclusive distributorship sa bansa.

Sinabihan na rin aniya niya ang mga opisyal ng Sansure na hindi bibili ang pamahalaan ng kanilang mga produkto na ibinibenta ng Omnibus dahil overpriced ang kanilang alok.

“If we allow them to distribute now at a lower price, we’re giving them a reward for what they had done before. Now that we can go direct to Sansure, we suggest that we bypass them because we can get it cheaper,” dagdag pa ni Lao.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat maimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawang Co hinggil sa issue ng profiteering, hoarding, at halos pamba-blackmail aniya sa pamahalaan para lamang mabili ang kanilang overpriced na mga produkto.