-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nag-apela ang Union Workers na dapat na manindigan si Health Secretary Francisco Duque kung talagang mayroong malasakit sa mga healthcare workers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Union Workers president Cristy Villahermosa, dapat na hikayatin ng kalihim ang healthcare workers na magkaisa na ilapit sa kongreso at hilingan na amiyendahan ang provision ng Bayanihan law na hindi lang dapat mga direct contact na healthcare workers sa COVID-19 patients ang makakatanggap ng Special Risk Allowance (SRA).

Paliwanag ni Villahermosa na tung tutuusin mas “risky” sa mga non-COVID referral hospital dahil hindi alam kung carrier na ng virus ang mga tinatanggap na pasyente.

Hindi gaya sa mga COVID-19 referral hospital na alam nang mga covid positive ang kanilang pasyente at nakasuot pa ng full full personal protective equipment (PPE) ang mga healtcare workers.

Isa aniya itong malinaw na dahilan upang lahat ng healthcare workers mabigyan ng SRA dahil maituturing na nasa panganib ng pandemya ang lahat ng ospital.

Kaya’t dapat lamang na tumayo si Duque bilang namamahala ng DOH upang mabigyan ng hustisya ang ginagawang sakripisyon ng mga healthcare workers sa gitna ng pandemya.

Aniya, tila ginagawa silang pulubi ng pamahalaan na namamalimos at nagmamakaawa sa benepisyong dapat ay matagal ng natanggap.