-- Advertisements --
Walang balak na magbitiw sa kaniyang puwesto si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Kasunod ito sa banta ni Senator Panfilo Lacson na may malaki itong ibubunyag na anomalya na kinasasangkutan ng kalihim.
Sinabi ni Duque, na wala itong ideya kung ano ang isyu ang sinasabi ng senador at kung sakaling mayroon mang nais ito linawin ay handa itong magpaliwanag.
Nauna rito, sinabi ng senador na hinihintay na lamang niya ang ilang mga dokumento sa panibagong anomalya na kinasasangkutan ni Duque.