Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na naka-home quarantine na ang pinuno ng ahensya na si Sec. Francisco Duque dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa isang text message sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire na “asymptomatic” o walang sintomas gaya ng ubo, sipon, o lagnat ang kalihim; pero isinailalim na raw ito sa testing dahil sa pre-existing na asthma at hypertension.
Hindi na rin daw muna ito papasok ng opisina dahil naka-work from home na.
“Sec. Duque is on home quarantine, but currently asymptomatic. He has already has already been tested for COVID-19 test as he is asthmatic and hypertensive. He is now doing work from home.”
Batay sa ulat, tatlong beses nagkaroon ng exposure si Duque sa isang direktor ng DOH na kinumpirma kamakailan na positibo sa naturang sakit.