-- Advertisements --
Paulit na umapela si DOH Sec. Francisco Duque III sa publiko na salubungin ang bagong taon na ligtas at umiwas sa paggamit ng mga paputok.
Ginawa ni Duque ang panawagan kasabay nang kanyang pag-iikot sa ilang ospital sa Metro Manila.
Tulad nang nakagawian sa mga nakalipas na taon inalam ng kalihim ang kahandaan ng ilang emergency rooms ng mga ospital bilang bahagi ng “iwas paputok” campaign.
Nagtsek din si Duque sa mga gagamitin sa pag-opera ng mga doktor lalo na kung may puputulin sa parte ng katawan na tatamaan ng matinding paputok.
Una nang ipinagmalaki ng DOH na kung ikukumpara noong nakalipas na taon nasa 76% na mas mababa ang bilang ng mga nasugatan ngayon dahil sa mga paputok.