-- Advertisements --

Sang-ayon si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi dapat harangin ng Executive Department ang mga testimonya ng mga Cabinet member sa Senado.

May kaugnayan ito sa pagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gabinete nito na dumalo sa imbestigasyon ng Senado ukol sa maanomalyang pagbili ng gobyerno ng mga medical supplies noong 2020.

Sa ginawang Senate hearing ipinakita ni Senate Miniority Leader Franklin Drilon ang manifesto na pirmado ng mga medical professionals na sumusuporta sa pagdinig na isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Committee.

Nagsuhestiyon ang kalihim ng “reasonable adjustment” para makadalo ang mga Cabinet members gaya ng pagkakaroon lamang ng isang beses sa isang linggo ang pagdinig.

Tiniyak din ng kalihim na ipaparating ang nasabing usapin sa opisina ng executive secretary.