-- Advertisements --
Martin Romualdez podium
Martin Romualdez

Nakipagpulong ang mga kongresista mula sa mga lugar na apektado ng dengue kay Health Sec. Francisco Duque III para makahanap ng pang-matagalang solusyon sa health emergency na ito.

Sa isang video message na ipinadala ng kampo ni House Majority Leader Martin Romualdez sa mga mamahayag, sinabi nitong kanilang inimbitahan sa Kamara si Duque lalo na at kabilang ang Leyte sa mga lugar na higit na apektado ng dengue.

Ayon kay Romualdez, nagpahayag ng suporta ang kalihim sa bawat kongresista na apektado ng dengue ang nasasakupan sa pamamagitan ng aniya’y “actual concrete initiatives” sa pagsugpo sa problema.

“Sec. Duque was candid enough. He needs the support of everyone since at the moment, there is no medicine effective to cure a viral disease such as dengue. Only through community effort can we win the war against dengue,” ani Romualdez.

Pinayuhan din daw sila ni Duque na himukin ang lokal na pamahalaan na pumasok sa kasunduan sa mga pampubliko at pribadong ospital para mapalawak ang scope ng medical assistance mula sa Department of Health.

Bukod sa financial support, nangako rin ang kalihim na gawing mas available ang mga makina at kemikal na kakailanganin ng lokal na pamahalaan para sa kanilang mosquito fogging.

“Since dengue has become a public health emergency, it behooves us to mobilize the public to help address the problem. Each and everyone must do their part,” dagdag pa ni Romualdez.