-- Advertisements --

Pinahiya ng Atlanta Hawks ang Brooklyn Nets, 114-96.

Hawak na ngayon ng Hawks ang apat na panalo at isang talo pa lamang.

Sa panig ng Brooklyn nasayang ang ginawang 28 points at walong rebounds ng NBA superstar na si Kevin Durant.

KD Durant Nets
Kevin Durant @BrooklynNets

Nasa tatlo na ang talo ng Brooklyn sa loob ng anim na mga games mula ng magsimula ang bagong season ng NBA.

Nagsama ng puwersa sina De’Andre Hunter na may 23 points, Trae Young na nagtala ng 21 points at si John Collins ay nagtapos sa 20.

Anim nilang players ang nagpakita ng double figures para iangat pa ang record nila sa 4-1.

Sa Linggo haharapin ng Heat ang Cleveland.

Ang Nets naman ay makikipagtuos sa Washington sa Lunes.