-- Advertisements --

Kinumpirma ng Brooklyn Nets na dumanas ng injury sa MCL sa kaliwang paa ang NBA superstar na si Kevin Durant.

Dahil dito, nangangamba ang team na baka abutin pa ng isang buwan hanggang anim na linggo ang rehabilitasyon ni Durant bago muling makalaro.

Kanina ay sumailalim muna sa MRI si Durant kung kaya’t nalaman nila ang assessment.

Sinasabing maaari pang abutin hanggang sa All-Star break sa Pebrero 18-23 bago makabalik si Durant.

Samantala, medyo nakahinga umano ng maluwag ang koponan dahil hindi naman malala ang injury.Sa ngayon kabilang si Durant sa bumabandera na mga players na nangungunamg kandidato sa pagka-MVP ngayong season.