Agad na bumandera sa inisyal na botohan ng mga basketball fans sina Brooklyn Nets forward Kevin Durant at Los Angeles Lakers star na si LeBron James para NBA All-Star Game.
Inanunsiyo ng liga na si Durant ay nakatipon na ng mahigit sa 2.3 million votes sa Eastern Conference.
Sa Western Conference nangunguna naman si LeBron na meron ng mahigit sa 2.2 million votes.
Ang iba pang mga frontcourt sa botohan na makakasama ni James ay ang Serbian center Nikola Jokic ng Denver, Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers na sapangatlo, Anthony Davis ng Lakers, ang Golden State Warriors pointguard na si Stephen Curry, Dallas Mavs guard Luka Doncic ng Slovenia at Portland TrailBlazers Damian Lillard.
Ang bumubuo naman sa Eastern Conference liban kay Durant ay ang two-time reigning NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo ng Greece, Cameroonian big man Joel Embiid ng Philadelphia 76ers, Boston Jason Tatum, Bradley Beal ng Washington Wizards, Brooklyn Nets Kyrie Irving at ang teammate na si James Harden.
Sa ngayon hindi pa naman matiyak ang banggaan ng Eastern at Western conference team at nagsasagawa pa ng dayalogo ang mga NBA officials at mga players para sa All-Star Game sa buwan ng Marso sa estado ng Atlanta.