-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng tatlong laro si Brooklyn Nets star Kevin Durant.

Ito ay matapos na maging direct contact ng empleyado ng koponan na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Nets coach Steve Nash na hindi nila makakasama si Durant sa laro ng koponan laban sa Detroit Pistons sa Miyerkules at Indiana Pacers sa Biyernes.

Sakaling mag-negatibo ang Nets star sa COVID-19 ay malaki ang posibilidad na makapaglaro na ito sa laban ng koponan sa Golden State Warriors sa darating na Pebrero 14.

Magugunitang napilitan ang NBA na palabasin sa playing court si Durant sa third quarter ng laban ng Nets sa Toronto Raptors matapos na ito ay ma-expose.

Ito na ang pangalawang beses na hindi makakapaglaro ng ilang araw si Durant dahil noong Enero ay anim na araw itong hindi nakapaglaro matapos na ma-expose sa COVID-19 positive na tao.