-- Advertisements --

Ipapaubaya na ng Golden State Warriors ang desisyon kay Kevin Durant kung ito ay mananatili o lilipat sa ibang koponan.

Ito ay dahil magiging free agency na ang Most Valuable Player pagkatapos ng season.

Lumalabas din ang usapin sa NBA na handang pakawalan ng Warriors si Durant at panatilihin si Klay Thompson.

Ikinokonsidera kasi ng Warriors na gagamitin ng 30-anyos na si Durant ang kaniyang player option at payagan itong maging free agent.

Lumakas ang usapin ang paglipat ni Durant sa New York Knicks.

Ang paglipat aniya nito sa Knicks ay ituturing na paglinis ng kaniyang reputasyon matapos na batikusin ito noong lumipat siya sa Warriors.