-- Advertisements --
Pinabulaanan ni NBA star Kevin Durant ang lumabas na balitang sinisisi niya ang dating koponang Golden State Warriors matapos na magtamo ito ng torn Achilles tendon.
Ayon sa two-time NBA Finals Most Valuable Player, desisyon niya ang paglalaro sa Game 5 finals nila ng Toronto Raptors.
Paglilinaw pa ng 30-anyos na forward, walang pressure itong naramdaman para lamang makapaglaro sa finals.
Magugunitang pumirma ng four-year deal na nagkakahalaga ng $164 million si Durant sa Brooklyn Nets.