Umaasa ang ang Brooklyn Nets superstar na si Kevin Durant na makasama pa rin ng kanilang team ang isa sa tinaguriang “big three” na si Kyrie Irving.
Nasa ikalawang araw na kasi na hindi pa rin nakakasama sa training camp si Irving na una nang napaulat na nagmamatigas na ayaw pa ring magpabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Durant, malaking bagay sa kanilang paghahabol na makatuntong sa championship si Irving dahil wala itong katapat.
Aminado rin si Durant na kahit papaano ay kabado sila kung hindi makakasama ang All-Star guard para makompleto ang kanilang koponan.
Gayunman tiniyak ni Durant na iginagalang nila ang personal na saloobin ni Irving ukol sa COVID vaccines.
Una nang napaulat na kung patuloy na magmamatigas si Irving ay hindi itong makakalaro sa home games tulad sa New York na mahigpit sa hindi mga bakunado.
Tinataya rin na miyung-milyon kita ang mawawala kay Irving kung hindi pa rin magpapabakuna.
Ang bagong season ng NBA ay magsisimula na sa Oktubre 19.