-- Advertisements --
durant
Kevin Durant

Napili ni Golden State Warriors star Kevin Durant na lumipat sa Brooklyn Nets.

Umabot sa $164 million sa apat na taon na kontrata ang naging alok ni Nets sa dating NBA most-valuable player.

Taliwas ito sa umano’y limang taon na counter offer ng Warriors na nagkakahalaga ng $221 million.

DeAndre Jordan
DeAndre Jordan/ IG post

Bukod kay Durant ay nakuha rin ng Nets si Boston Celtics star Kyrie Irving na pumirma ng $141-M sa apat na taon kontrata.

Nakatakda ring pumirma ng kontrata sa Nets si veteran center DeAndre Jordan.

kyrie irving

Isasapormal ang nasabing usapin sa pagsisimula ng trade deal sa susunod na mga araw.

Ang kahihinatnan ni Durant ngayong free agency season ay isa sa inabangan ng marami lalo na at nagtamo siya ng strained right calf injury sa Game 5.

Nangyari ito sa Western Conference semifinals ng Warriors laban sa Houston Rockets na lumala pa ito nang maglaro siya sa finals kontra Toronto Raptors.

Samantala, nitong nakaraang season ay nagtapos sa 42-40 win-loss record ang Nets para umabot sa playoffs.