-- Advertisements --
Kevin Durant
Kevin Durant/ IG post

Lumaki umano ang posibilidad na makakapaglaro na rin sa Game 3 ng NBA Finals si Golden State Warriors star Kevin Durant laban sa Toronto Raptors.

Ayon sa Warriors, mayroon ng magandang development sa calf injury ni Durant na kaniyang natamo noong Mayo 8 sa Game 5 Western Conference semifinals laban sa Houston Rockets.

Sinabi naman ni Warriors coach Steve Kerr, na puwede na sanang maglaro sa Game 2 finals si Durant subalit hindi nila ito pipilitin para hindi lumala ang kaniyang injury.

Umaasa naman ang ilang teammates ni Durant na makakasama na nila ito dahil alam nila na malaki ang kontribusyon nito sa bawat laro.

Nilinaw naman ni Warriors player Stephen Curry na kahit na wala pa si Durant ay handa silang mag-step-up para punan ang mahalagang puwesto ni Durant.

Mayroong 34.2 points average sa kada laro si Durant at dalawang beses itong napili bilang Finals MVP.

Magugunitang nakuha ng Raptors ang unang panalo sa kanilang best of seven finals nila ng Warriors sa score na 118-109.

Sa Lunes ang Game 2 na mangyayari muli sa teritoryo ng Raptors.