(Update) Napuno ng emosyon ang isinagawang press conference ni Golden State Warriors general manager Bob Myers upang ianunsiyo na dumanas ng Achilles injury ang kanilang superstar forward na si Kevin Durant sa pagbabalik nito sa Game 5 ng NBA Finals laban sa Toronto Raptors.
Hindi naman nabanggit kung gaano katindi ang injury ngayon ni Durant pero iba ito sa nauna sa kapareho ring paa.
Bukas sasailalim ito sa MRI para sa dagdag pang pagsusuri.
Inamin pa ni Myers na noong una ay masaya sila dahil sa ibinigay na go-signal ng doktor at mga consultants na pwede na muling maglaro si Durant.
Pero kung meron man dapat sisihin ay siya na lamang daw lalo na at hawak niya ang basketball operations.
“I don’t believe there’s anybody to blame,” ani Myers. “But I understand this world. If there’s anybody to blame, blame me.”
Agad ding dinepensahan ni Myers si Durant sa mga kritiko at sinabing ito ay isa sa mga “most misundertood people.’
“He is a good teammate, a good person. Its not fair…”
Kung maaalala inabot din ng mahigit isang buwan (9 games) na hindi nakapaglaro si Durant mula pa sa semis ng Western Conference finals habang kalaban ang Rockets nang matamo ang strained right calf sa Game 5.
Nitong araw sa Scotiabank Arena ay bahagi si Durant ng first five ng team na kinabibilangan nina Dreymund Green, Andre Iguodala, Stephen Curry at Klay Thompson.
Sa unang limang minuto ay agad na uminit si Durant at naipasok ang dalawang three pointers.
Pero inabot lamang ito ng anim minuto at inilabas ni coach Steve Kerr sa court at nakitang dinagdagan ng plaster o knee pad ang paa.
Lamang sa score ang Warriors nang unang ilabas si KD na nakapagtala rin ng isang blocked shot at isang personal foul.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay muling ipinasok si Durant bago matapos ang first quarter.
Pero sa second quarter nang ilabas muli si Durant bunsod nang iniindang sakit ay makikitang inaalalayan pa ito sa magkabilang bisig.
Sa kabuuang 12 minuto na paglalaro, meron siyang natipon kaagad na 11 points kung saan umabot sa tatlo ang kanyang 3-pointers at 3-of-5 sa field goals, 3 rebounds at abanse ang kanilang koponan.
Sa pag-exit ni Durant patungo ng locker room ilang mga fans mula sa Toronto ang nagbunyi sa pangangantyaw.
Meron namang iba ang nagpaabot ng “well wishes” at isinisigaw ang “KD!,” “KD!”
Bumuhos din ang pakikisimpatiya kay Kevin mula sa ibang mga players at maging sa retired NBA great na si Dwyane Wade na labis ang bilib sa pagpipilit nito na tulungan ang team kahit nasa estado pa nang pagpapagaling.
“Even with all the things @KDTrey5 has done. This is the most fan(ed) out I’ve been. He knew he wasn’t right but he wanted to be there for his brothers. That’s sports! That’s love!
Sa pag-alis ni Durant sa Arena ay nakasaklay na ito ng dalawang crutches at suot ang walking boot sa right leg habang umaasiste sa kanya ang team doctor at si Myers.
Napansin naman na bago magsimula ang Game 5, nanguna pa mismo si Durant sa pag-hype up sa team upang mabigyan pa ng dagdag na inspirasyon.
Sinabi na rin ni Warriors coach Steve Kerr, sa ilang araw nilang nakasama sa ensayo si Durant ay naging maganda ang ipinakita nitong performance.
Matapos na mabigyan nga ng clearance mula sa kaniyang doctor na makapaglaro ng tuluyan ang two-time Finals Most Valuable Player.
Mayroong 26 points, 6.4 rebounds at 5.9 assists kada laro ang average ni Durant.
Magugunitang hawak ng Raptors ang kalamangan 3-1 sa best of seven NBA finals nang magbalik si Durant.
Samantala mistula namang alay ng Warriors ang kanilang panalo laban sa karibal na Toronto, 106-105, makaraang hindi natapos ni Durant ang laro.
Nag-post naman ng mensahe si Durant matapos ang comeback win gamit ang Instagram at nagpahiwatig na mistula raw siyang nabuhayan ng loob.
Kasabay din nito ang kanyang pag-imbita sa mga supporters at fans para sa Game 6 sa Biyernes.
“Dub nation gonna be loud as f— for Game 6,†mensahe pa ni Durant sa Instagram. “I’m hurting deep in the soul right now, I can’t lie, but seeing my brothers get this win was like taking a shot of tequila, I got new life lol. #dubsâ€