-- Advertisements --

Inamin ng NBA superstar na si Kevin Durant na masaya pa rin sya sa kinalabasan ng blockbuster deal ng Brooklyn Nets kahit nawala sa kanila ang isa sa big three nila na si James Harden.

Kung maalala, minabuti ni Harden na lumipat ng ibang team kasabay ng NBA trade deadline kung saan nagdesisyon ang Nets na pakawalan siya patungo ng Philadelphia Sixers kapalit nina Ben Simmons, Seth Curry at Andre Drummond.

Inamin ni Durant na excited siya kay Simmons na tinawag pa niyang “versatile player.”

Sa ginanap na NBA Draft para sa All-Star Game line-up, halatang iniwasan ni Durant bilang team captain ng Eastern Conference na kunin si Harden.

Hanggang sa huling dalawang players na natira mas minabuting piliin ni Durant si Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Wala namang nagawa ang team captain ng Western Conference na si LeBron James kundi isama na lamang sa kanyang line-up si Harden na tanging natirang mag-isa.

Ang inaabangang All-Star Game ay gaganapin sa estado ng Cleveland sa susunod na Linggo.